NAARESTO na ng pulisya ang suspek sa pamamaril na ikinasawi ng opisyal Land Transportation Office (LTO), ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr.
Gayunpaman, tumanggi si Abalos na pangalanan ang gunman, na nakapatay kay LTO Central Office Registration Section Chief Mercedita Gutierrez noong Biyernes ng gabi sa panulukan ng Kamias Road at K-H Street sa Barangay Pinayahan, Quezon City.
Hindi niya rin binanggit ang motibo sa pamamaslang, pero sinisilip na raw ng mga awtoridad ang posibleng motibo sa pagpatay.
Nagtamo ng mga tama ng bala si Guttierez na agad dinala sa East Avenue Medical Center (EAMC) kung saan idineklarang wala ng buhay.
Kinondena ni LTO chief Assistant Secretary Vigor Mendoza ang pamamaslang, na kanyang inilarawan na “kaduwagan.”
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA