Sinentensiyahan ng habambuhay na pagkakulong ng Taguig City Regional Trial Court ang negosyanteng si Cedric Lee, modelong si Deniece Cornejo at 2 iba pa matapos mapatunayang guilty sa kasong serious illegal detention for ransom na isinampa ng aktor na si Vhong Navarro laban sa kanila.
Batay sa 94-na pahinang desisyon ni Taguig RTC Judge Mariam Bien, walang dudang nagkasala ang mga akusado sa kasong paglabag sa Article 267 ng Revised Penal Code o serious illegal detention for ransom.
Bukod kina Cornejo at Lee, kasama rin sa ginawaran ng reclusion perpetua ang kapwa akusado na sina Ferdinand Guerrero at Simeon Palma Raz.
Pinaliwanag sa desisyon na nagkaroon ng conspiracy sa panig ng mga akusado at pinagplanuhan ang pagkulong sa komedyante para mahingan ng pera ang aktor.
Binanggit pa sa desisyon na may posibilidad na ang sinasabing rape at meet up nina Navarro at Cornejo noong Enero 17,2014 ay kasama sa plano ng mga akusado.
Inatasan din ng korte ang bawat akusado na magbayad tig-300 libong piso para sa civil indemnity, moral damages at exemplary damages kay Navarro.
Kasabay nito ay kinansela na rin ng korte ang ibinayad na piyansa ng mga akusado para sa kanilang nagin pansamantalang kalayaan habang nililitis ang kanilang kaso.
More Stories
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
6 tulak, nadakma sa higit P.2M shabu sa Navotas
Higanteng Christmas tree sa Araneta City pinailawan