December 23, 2024

Pagbaba ng Pinoy readership ikinababahala

Mula kaliwa pakanan sina Charrise Aquino-Tugade, Executive Director; Dante Francis Ang II, Chairperson; Lyka Mangial-Lan; at Kevin Angel Dy, ng National Book Development Board (NBDB).

NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang pamunuan ng National Book Development Board dahil sa pagbaba ng Pinoy readership.

Ito ay dahil sa lumabas na resulta ng 2023 National Readership Survey sa pakikipagtulungan ng SWS.

Batay sa naging survey, lumalabas na bumaba ang non-school book readership sa Filipino adults at children dito sa bansa.

Sa naging survey, bumaba sa 42% ang adult readership at 47% sa mga kabataan.

Lumalabas rin na ang madalas na basahin ng mga ito ay ang bible, picture books at romance genre books.

Kaugnay nito ay nanawagan ang National Book Development Board na mas paigtingin pa ng gobyerno ang mga reading program para sa mga Pilipino.

Sa ganitong paraan rin aniya, mas maengganyong itong magbasa ng libro at magkaroon ng reading habits.

Samantala, isinagawa ang 2023 National Readership Survey mula Nov. 14-20, 2023 na may 4,800 respondents.