April 29, 2024

Mga estudyante at grupo ng mga kabataan, nanawagan na buwagin ang Economic Cha-cha

NAGSAGAWA ng kilos-protesta ang mga estudyante, kabataan at iba pang basic sector sa labas ng House of Representatives, para hilingin na buwagin ang Resolution of Both Houses No. 7 (RBH 7) at nanawagan na iprayoridad ang kapakanan ng mamamayang Filipino.

Isinagawa ang protesta bilang tugon sa ibayong pagsisikap sa isinusulong na Charter Change (Cha-Cha).

Sinasabi nila na ang naturang hakbang ay para payamin lamang ang mayayaman habang nabubuhay ang mga manggagawa na may maliit na sahod at hindi sapat na serbisyong pampubliko.