April 29, 2024

Ai-Ai delas Alas, dinedma ng Star Cinema at ABS-CBN, tinanggap alok na tulong ng GMA7

ANG buong akala ng mga followers ng ABS-CBN ay nagtraydor itong si Ai-Ai delas Alas sa Star Cinema at ABS-CBN, dahil umalis siya sa kampo ng kanyang TV network.



Hindi na ho siya pinatawag ng Starcinema at ng ABS-CBN, matagal din niyang inasam na pababalikin siya para mag-renew ng kanyang kontrata. Pero hindi na ho nangyari iyon, kaya nagdesisyon na siya.

Iyong desisyon niya na layasan ang Star Cinema at ABS-CBN, tama iyon. Kasi sila ang talagang nangdededma kay Ai-Ai, at hindi na nila ni re-new ang kontrata nito.

Mabuti na lang at tinulungan siya ng GMA 7, pinabalik siya ng Kapuso Network. Kaya kesa tumunganga siya at walang trabaho ay tinanggap niya ang tulong na muli siyang bumalik sa nasabing TV network.