
Muling lalaban si Filipino boxing champion Manny Pacquiao.
Makakaharap nito si Muay Thai maestro Buakaw Banchamek para sa exhibition fight sa Abril 20 sa Thailand.
Tinaguriang “The Match of Legend” kung saan may nakalaan ito na budget na aabot sa mahigit P136 bilyon.
Ang nasabing laban ay anim na tig tatlong minuto na mayroong dalawang minuto na break.
Ang 41-anyos na si Buakaw o kilala dati bilang si Buakaw Por Pramuk ay mayroong kabuuang 240 panalo sa kaniyang 24 taon na career sa Muay Thai at kickboxing.
Huling lumaban ito noong Nobyembre ng talunin ang kilalang Muay Thai sa nasabing bansa. RON TOLENTINO
More Stories
DepEd: Pasukan para sa SY 2025–2026 magsisimula sa Hunyo 16
DATING ILOILO MAYOR JED MABILOG, MULING LUMAHOK SA VIA CRUSIS
ANG PHARMALLY QUEEN AT ANG KATAHIMIKAN NG COMELEC