
Muling magbabalik ng WNBA season ngayong weekend sa Florida bubble. Masisilayan ding muli ang mga players na hindi nakapaglaro noong nakaraang season.
Kabilang sa magbabalik sa laro si rookie top pick Sabrina Ionescu. Gayundin din si 2018 league MVP Breanna Stewart ng Seattle Storm. Hindi nakalaro si Stewart noong nakaraang season dahil sa torn Achilles.
Balik laro rin ang kakampi ni Stewart na si Sue Bird na sumailalim sa knee surgery noong nakaraang taon.
“If you look at last year, a lot of people were not playing and the fact is we’re all able to be back,” wika Stewart.
“All feeling at our best and continuing to bring the spotlight to the WNBA,” aniya.
Excited din sa WNBA season si nine-time All-Star Diana Taurasi ng Phoenix Mercury na naglaro lalang ng 6 games noong last season. Nagkaroon kasi ito ng back at hamstring injuries.
Balik aksyon din si Mercury guard Skylar Diggins-Smith. Si Smith ay nahablot ng Phoenix mula sa Dallas Wings via trade.
More Stories
National Open C’ship sa Kalibo… RAVEN SIKARAN TANAY READY NA SA BAKBAKAN SA AKLAN!
PH WNM Arvie Lozano kampeon sa Laos FIDE Standard Chess tilt
TNT binanderahan ni Almond Vosotros sa 94-70 panalo vs NorthPort