Arestado ang isang itinuturing na bigtime onion smuggler sa isinagawang manhunt operation at maghain ng arrest warrant ang mga pinagsanib na puwersa ng mga awtoridad ng Taal Municipal Police Station, Talisay Municipal Police Station at Regional Intelligence Division ng Batangas Provincial Police Office noong hapon ng Miyerkules November 15, 2023 sa Barangay Apacay ng Taal, Batangas.
Kinilala ang sinasabing bigtime onion smuggler na si Jayson Roxas Taculog, nasa hustong gulang at pansamantalang residente sa nasabing lugar.
Base sa ipinadalang report ni Batangas Police Provincial Director Police Colonel Samson B. Belmonte kay Calabarzon Regional Director Police Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, naaresto ang suspek na si Taculog sa pamamagitan ng isinilbing Warrant of Arrest na inisyu ni Presiding Judge Edilu Hayag ng Regional Trial Court Branch 26 sa lungsod ng Maynila para sa mga kasong Large Scale Agriculture Smuggling as Economic Sabotage.
Ayon naman sa panayam ng media sa Department of Agriculture si Taculog ay responsable sa pagpupuslit ng tatlumpung container van ng mga imported na sibuyas na gumagamit ng mga pekeng import permits at shipping documents.
Nakatakdang isalang sa inquest proceedings ang suspek at pansamantalang nakakulong ngayon sa Taal Municipal Holding and Custodial Facility at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan. (KOI HIPOLITO)
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE