May 18, 2024

Christmas tree sa Quezon City Hall pinailawan na

Damang-dama na ang Pasko sa Quezon City matapos pailawan ngayong gabi Christmas tree at Christmas lights sa City Hall kasama ang mga kawani ng lokal na pamahalaan.

Nagpasalamat sina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto sa mga empleyado ng City Hall sa kanilang masipag at tapat na serbisyo buong taon.

Bukod dito, pinaalala rin ng alkalde ang importansya ng pagbibigay at pagmamahalan, katulad ng tema ngayong Pasko #SpreadLoveAndJoy.

Bukod kay Mayor Joy, dumalo rin sina Vice Mayor Gian Sotto, former Speaker of the House Sonny Belmonte, mga konsehal, Action Officers (AOs), department heads, at mga Sangguniang Kabataan (SK) officials. (Kuha ni ART TORRES)