November 23, 2024

KABATAANG PINOY MAS GUSTONG MAGNEGOSYO KEYSA MAGTRABAHO NG FULL TIME – SURVEY

Marami sa kabataang Filipino ngayon ang mas gustong magtayo ng sariling negosyo at  magkaroon ng iba’t  ibang raket kaysa manatili sa isang trabaho na pangmatagalan.

Sa pagaaral at survey ng HMO company na PhilCare, sa mga kabataang Filipinong edad 16 – 26, na kabilang sa henerasyon na tinatawag na GenZ, or Zoomers, 28% ang nagsabing mas gustong magtayo nalang ng sariling business;(26)%  sa mga naghahanap-buhay, mas gusto ay flexible ang oras sa trabaho.

(24)% ang mas gusto mas maraming sideline o “gig” kaysa isang full time na trabaho.

Sa pulong balitaan sinabi ni Dr. Fernando Paragas, Philcare lead researcher at Dean ng UP College of Mass Communications, sa naging pag-aaral, hindi lang basta trabaho ang hinahanap ng mga GenZ dahil mas mahalaga sa kanila na magkaroon ng makabuluhang karera na akma sa kanilang personal lifestyle at propesyonal na layunin.

Lumabas din sa survey na No1, priority ng  kabataang empleyado ang pagkakaroon ng magandang health benefit sa trabaho, malapit sa kanilang tahanan at pangatlo sa kanilang wishlist ang masayang work environment habang nasa pang-apat sa listahan ng priority ng mga kabataan ang sweldo.

Sang ayon dito si PhilCare President Jaeger Tanco, na ang survey ay mahalaga sa mga kumpanya upang higit silang makapag-adjust sa mga pangangailangan at paniniwala ng mga bagong empleyado na pawang binubuo ng mga kabataan.