April 29, 2024

REMULLA ‘NO SHOW’ SA IKA-87 ANIBERSARYO NG NBI

Biglaang kinailangan dalhin sa ospital para magpasuri si SOJ Jesus Crispin Remulla kahapon ng umaga kaya hindi ito kaya hindi ito nakasipot sa ika-87 anibersaryo ng NBI.

Ayon kay DOJ Usec Jose Cadiz, patungo siya ng DOJ nang makatanggap ng tawag mula kay Remulla na kailangang magpadoktor dahil sa isang minor medical emergency.

Kaugnay nito, pinawi ni DOJ Spokesman ASec Mico Clavano ang pangamba sa lagay ng justice secretary.

Aniya, maayos ang lahat kay Sec Remulla na pumasok na sa kanyang tanggapan sa doj at epekto lamang ito ng pabago-bagong klima ng panahon na nararanasan.

Ang nasabing Kalihim sa DOJ ay namataan din ng ilang mamahayag nanakaantabay sa tanggapan kahapon ng umaga kung saan dumiretso agad ito sa kanyang opisina at ipinagpaliban muna ang dapat sana’y interview sa kalagayan nito.