
WALA pang playdate ang movie ni Direk Paul Soriano, pero balak niyang i-release sa mga sinehan ang kanyang movie na ‘The Fisher’ dito sa atin sa Pilipinas para mapanood ng ating mga kababayan.
“Naging matagumpay naman ang dalawang screening sa World Focus section ng 36th Tokyo Internationsl Film Festival nung nakaraang buwan ng Oct 26 at 30.
“Maganda naman ang naging pagtanggap sa kanila ng lahat ng nakapanood ng kanilang pelikula, halos puro nga mga hapon ang nanood. Positive at maganda naman ang review ng mga press at industry professional, at ito rin ang kauna-unahang Pinoy Film na nomitated sa Ethical Film Award sa na sabing international film festival.
“Maganda rin ang naging pagtanggap sa kanila ng audience ng humarap si direk Paul Soriano, kasama sina Mon Confiado at Enchong Dee sa kanilang Q & A session sa nasa bing presscon,” salaysay pa ng aking source.
More Stories
86 DRIVER, 2 KONDUKTOR POSITIBO SA SURPRISE DRUG TEST NG PDEA NGAYONG SEMANA SANTA
P102 milyong halaga ng shabu, nasabat sa checkpoint sa Samar
DepEd: Walang pagbabawal sa pagsusuot ng toga sa graduation; imbestigasyon sa Antique incident sinimulan na