May 18, 2024

JOINT PATROL SA WEST PHILIPPINE SEA APRUBADO KAY SENADOR JINGGOY ESTRADA

Suportado ni Senador Jinggoy Estrada ang joint patrol sa West Phil Sea kasama ang puwersa ng ibang bansa.

Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Senador Estrada  na wala siyang nakikitang problema sa joint patrol kung makatutulong ito para mapangalagaan ang interes sa teritoryo ng bansa

Paliwanag  ng senador,  wala namang nangyayari sa paghahain ng diplomatic protests ng Pilipinas laban sa ginagawa ng China sa West Philippine Sea o WPS.

Sa pagtaya ni Estrada maaari aniyang umabot sa isang libo ang protestang inihain ng Pilipinas laban sa China sa nakalipas na mga taon na hindi naman pinapansin at pinakikinggan. GINA MAPE