NAIPASA na pala ang Eddie Garcia Bill sa Kongreso, sa pangunguna iyan ni Sen. Robinhood ‘Robin’ Padilla. Kung kaya isinabatas niya ang Eddie Garcia bill, dahil gusto niyang maprotektahan ang mga artista o mangagawang involve sa movie industry para sa pang-aabuso, harassment, hazardous working conditions at economic exploitation. Kaya maganda ang mungkahi ni Robin.
“Kung maisasabatas ang ‘Eddie Garcia Bill’ malaking tulong ito sa ating mga manggagawa sa ating movie industry. Gaya ng mga crew, artista, singers basta mga manggagawa dahil maproprotektahan na silang lahat.
“Nasa Kongreso na ang ‘Eddie Garcia Bill,’ sa tulong din naman ni Pangasinan District 4 representative na si Toff De Venencia. Halos karamihan ng mga artistang nakiisa sa nasabing bill, ay umaasang ma-aprubahan na ito sa lalong madaling panahon. Alam nilang malaking tulong ang bill na aking ipinasa sa Kongreso sa lahat ng mga manggagawa sa ating movie industry,” chika pa ni Sen. Robinhood ‘Robin’ Padilla.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA