HUWAG na tayong magtaka, kung dumating iyong time na mapapanood na natin si Sarah Geronimo sa TV5 dahil inaayos na ng Viva Artists Agency, Inc., ang projects na para sa aktres. Pinaghahandaan na nila na magkaroon si Sarah, ng digital platform para mapanood na ito ng kanyang mga tagahanga.
“Mas pinili ni Sarah Geronimo na manahimik, kaysa gumawa nang ingay sa kalsada. Dasal na lamang ho ang kanyang inalay, dahil hindi rin naman makakatulong sa kanyang kondisyon kung makikipagsabayan siya sa pag-iingay sa kalsada. Takot din naman siyang magkaroon ng coronavirus, kaya hindi mo siya makikitang aktibo sa mga rally gaya nang ginagawa ng kanyang mga Kapamilya stars,” bulong ng kakwentuhan natin na malapit kay Ms. Sarah Geronimo.
“Handang-handa na ang TV 5 at Viva Artists Agency, Inc., sa bagong project na inilaan nila para kay Sarah Geronimo. Tiyak na muli nang mapapanood si Sarah, at iyan naman ang inaasahan ngayon ng kanyang mga tagahanga. Sa TV 5 na kaya ngayon nakakontrata ang byuti nitong si Ms. Sarah Geronimo? Ang bilis nang paglipat ni Sarah, dahil wala na nga ang ABS-CBN,” dagdag pa nito.
More Stories
Matapos hiwalayan ng asawa… CHLOE SAN JOSE MAY BUWELTA KAY AI-AI: ‘BACK TO YOU, MAMANG’
WILLIE REVILLAME WALA PANG MAISIP NA PLATAPORMA: SAKA NA ‘PAG NANALO NA KO
Vice Ganda may unkabogable na bagong sasakyan?