Tinatayang nasa 100 miyembro ng Manila Police District (MPD) ang sumailalim sa surprise drug test na isinagawa sa MPD Headquarters sa United Avenue, Ermita, Maynila at lahat sila ay nagnegatibo sa droga.
Ayon kay PMajor Philipp Ines, hepe ng Public Information Office ng MPD, ang naturang drug test ay bahagi na pinaigting na internal program ng MPD.
Aniya, nais ni MPD Director PBGen. Andre Dizon na tiyakin na walang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa kanilang hanay.
Ipinag-utos ni Dizon na sampahan ng kasong administratibo ang sinumang pulis-Maynila na mapapatunayang adik sa droga. ARSENIO TAN
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA