May 17, 2024

MGA KUBOL SA NBP, GINIBA NA

Ipinagmalaki ni Bureau of Corrections o BuCor  Director General Gregorio Pio Catapàng Jr. na wala ng kubol sa loob ng New Bilibid Prisons o NBP sa Muntinlupa City.

Sa press briefing sa DOJ, ibinida ni Catapang na aabot sa dalawang libo walong daan at labindalawang kubol (8,812) na nasa loob ng ng 11 gusali sa NBP ang kanilang giniba.

Dinagdag pa ni Catapang na ang mga kubol ay para sa personal na gamit ng ilang PDLs gaya ng mga mayores.

Sinabi pa ni Catapang na sa ngayon ay transparent na ang mga selda sa loob ng NBP at balak na rin ng NBP management na maglalagay ng dagdag na CCTV sa loob ng NBP.

Sa paggiba sa mga kubol, sinabi ni Catapang na nakakuha sila ng labing-isang baril, mga cellphones at television sets.

Nabatid kay Catapang na gumugol sa ng dalawang linggo sa paggiba sa mga kubol sa pambansang piitan.