HABANG papalapit na ang 2023 FIBA Basketball World Cup na ihu-host ng bansa, halos makukumpleto na ang pinal na komposisyon ng Gilas Pilipinas na sasabak sa pang-daigdigang torneo.
Ang pinakahihintay na pagkakataon ay ang kumpirmasyong lalaro para sa bansa si NBA standout Jordan Clarkson ng Utah Jazz .
Ang Pilipino sa dugong si JC ay darating sa Pilipinas upang samahan na sa ensayo ang kanyang teammates at pangunahan ang koponan sa isang pocket tournament sa China bilang pampinaleng yugto ng training camp ng pambansang koponan bago rumatsada ang World Cup.
Ang kampo ni Clarkson ay nagpalabas ng commitment statement kahapon upang maplantsa na ang mga agam-agam sa kanyang pag-representa para sa Pilipinas:
“We’re humbled by Jordan embracing the opportunity to represent his Filipino roots once again and compete in the 2023 FIBA World Cup alongside his fellow countrymen. Theres one thing for certain and two things for sure.”
“Jordan’s not a Filipino for convenience but Filipino by blood and Never question his commitment to honor his word.”
“He recognizes his presence on the world stage will elevate Filipino pride while using his God- given athletic talent , humility and style to play the game he loves on Philippine soil while participating in this magnificent event, he’ll also pay homage to his late Lola Marcelina Tulliao’s legacy”.
“To the Filipino Nation,Jordan’s coming home.”
Ang Gilas Pilipinas ay kahanay sa Group A ang Dominican Republic, Angola at Italy.
Aarangkada ang FIBA World Cup na co- host din ang Japan at Indonesia simula Agosto 25 hanggang Setyembre 10,2023.
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA