May 6, 2024

BANGKA TUMAOB SA BINANGONAN: 30 PATAY!

UMAABOT na 30 katao ang nasawi matapos malunod sa paglubog ng  kanilang sinasakyang motor banca sa Talim Island sa Binangonan, Rizal.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), hindi pa malinaw kung ilan ang sakay ng nasabing bangka pero nasa 40 katao ang tuluyang nasagip at patuloy na hinahanap ang iba pang pasahero.

Nabatid na dakong alas-12:30 ng tanghali kanina nang umalis ang motor banca Princess Aya papuntang Brgy. Gulod, Talim Island.

Dagdag pa ng PCG,  hinagupit nang malakas na hangin ang motor banca kaya nag-panic ang mga tao at sumandal sa gilid ng bangka na naging dahilan ng pagtaob nito.

Kinumpirma ng lokal na ospital ng Darangan na dalawang babaeng pasahero ng lumubog na bangka ang idineklarang dead on arrival dakong alas-4:30 ng hapon.