Pinaiimbestigahan ng Bureau of Immigration sa mga opisyal ng Ninoy Aquino Internationa Airport (NAIA) ang posibleng pagkakasangkot ng airline personnel sa pagpapadali sa pagalis ng mga biktima ng human trafficking at illegal recruitment.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco na naglabas siya ng apela matapos na harangin ng mga opisyal ng BI sa NAIA terminal 3 ang isang babae na nagtangkang umalis na may pekeng immigration departure stamp sa kanyang passport.
Sa pagtatanong, sinabi ni Tansingco na inihayag ng pasahero na tinulungan siya ng airline employee at dating officemate sa pagpila sa immigration departure counter.
Inamin din ng pasahero na pumila siya matapos ibigay ng kanyang handler ang passport at boarding pass na may pekeng BI departure stamps.
Nangyari ang insidente noong Abril 15 habang papalipad papunta ng Kuala Lumpur en route sa kanyang pinal na destinasyon sa United Arab Emirates kung saan siya nirekrut at magtrabaho bilang household worker.
Ang pasahero ay hinarang dahil sa kahina-hinalang passport at ng dumaan sa document forensic laboratory ay natuklasan na counterfeit ang departure stamp.
Hindi pinangalanan ni Tansingco ang airlines dahil ang kaso ay hawak na ng NAIA anti-trafficking task force at airport police department.
“They should stop prying on our countrymen who want to work abroad due to poverty and their desire to uplift the lives of their families. We thus urge airport authorities to dig deeper into these shenanigans and file the cases against those involved,” pahayag ni Tansingco.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO