November 19, 2024

Matapos ang halos 3 taon…  NAVOTAS ZERO ACTIVE COVID-19 CASE NA

INANUNSYO ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas na zero active case na ang lungsod sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pagkatapos ng halos tatlong taon ng mahigpit na pagsisikap para pigilan ang pagkalat ng sakit.

Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, wala ng naitala ang Navotas ng mga karagdagang aktibong kaso kasunod ng paggaling at paglabas ng huling dalawang pasyente ng COVID-19 mula sa isolation, noong Huwebes.

“Since February 11, we have not recorded any new cases of the disease.  We owe this breakthrough to our frontliners and all the members of the city’s COVID-19 response team” ani Mayor Tiangco.

“We also thank each and every Navoteño who, in their own simple ways, helped combat the spread of the virus,” dagdag niya.

Naitala ng Navotas ang unang kaso ng COVID-19 noong Marso 28, 2020. Ito ang huling local government unit sa Metro Manila na nag-ulat ng local transmission ng virus.

Mula noon, nag-post ang lungsod ng 22,273 na kaso. Sa mga ito, 21,544 ang nakarekober habang 729 ang namatay.

“While we are happy that Navotas is now COVID-free, we remain vigilant. Our fight is not yet over. Let us do our utmost to prevent any more COVID cases in our community,” pahayag ni Tiangco. (JUVY LUCERO)