NAITATAG na ng pinagsamang determinasyon, talino at bigating kalibre ng mga personaheng tanyag sa komunidad ng basketball at ibang larangan kung kaya handa nang mamayagpag ang ‘Pambansang Liga ng Estudyanteng Atleta – ang National Universities & Colleges Athletic Association.
Bago rumatsada sa ere ang pinakabagong ligang NUCAA na di lamang pang- Metro Manila kundi pang- buong kapuluan na siyang pangunahing adhikain ay dumaan ito sa matinding brainstorming bago mai-finalize ang buwenamanong torneo sa Metro Manila at upang maikasa na rin ang NUCAA South.
Ang NUCAA member- officers ay binubuo ng men / women of integrity at dedication mula sa Board of Trustees sa timon ng mga sumusunod:
Chairman:Atty.Carmelo L.Arcilla;
Vice Chairman:Mr.Loreto “Ato” V.Tolentino;
President:Mr.Solomon B.Padiz;
Vice President:Mr.Romualdo Eduardo A.Dumuk;
Corporate Secretary:Atty. Joanne Marie C.Fabella;
Executive Director:Mr.Leonardo B.Andres Sr.;
Deputy Executive Director:Mr.Arlene F.Rodriguez;
Treasurer:Mr.Gene Roland A.Tumapat;
Auditor:Mr.Ricardo B.Andres ; Commissioner:Mr.Benjamin A.Da Jose Jr;
Director:Mr.Arturo E.Valenzona ;
Director:Mr.Robert Dela Rosa
Director:Mr.Arturo “Bai”Cristobal at PRO Mr.Danny Simon.
Ang mga kumpermadong institusyong kalahok na paparada sa makulay pambungad seremonyang nakatakda sa Marso 5, 2023 sa Ateneo blue Eagles Gym ay kinabibilangan ng- Immaculada Concepcion College, Arandia College, Treston College, San Pedro College of Business Administration, Philippine College of Criminology, Electron College, Philippine Christian University, Asian Institute of Maritime Studies, Enderun College , Pamantasan ng Lungsod ng Pasig at iba pang paaralang magdedesisyon bago ang final meeting na ipatatawag ng NUCAA top brass ilang araw mula ngayon sa Aristocrat, Malate.
” NUCAA is here and ready to takeoff soon di lang sa basketball kundi maging ibang sports discipline na pagtutunggalian para sa karangalan,” wika ni E.D.Andres- BAP Region IV chief.
More Stories
P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo
Leader ng “Melor Robbery Gang” na wanted sa Valenzuela, timbog!
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund