KULUNGAN ang kinasadlakan ng limang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos matimbog ng pulisya sa magkakahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.
Ayon kay Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, dakong alas-6:40 ng gabi ng magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Luis Rufo Jr ng buy bust operation sa Bagong Silang St., Brgy. San Jose, na nagresulta sa pagkakaaresto kay Chrismo Dela Peña akyas “Moymoy”, 22 at Michael Unay, 40.
Nakumpiska sa kanila ang humigi’t kumulang 6 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P40,800 at P500 bill na ginamit bilang buy bust money.
Bandang alas-9:50 naman ng gabi nang madakma din ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Dalagang Bukid St, Brgy. NBBS Dagat-dagatan sina Bernardo Mallorca alyas “Itong”, 54 at Roque De Leon alyas “Oke”, 29, mangingisda.
Nasamsam sa mga suspek ang limang heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may standard drug price P4,080, P500 marked money at P300 recovered money.
Timbog din si Reymart Sarmiento alyas “Toto”, 31, (pusher/listed) matapos bintahan ng P300 halaga ng shabu ang isang undercover police poseur buyer sa buy bust operation sa Area 1 Blk 28, Brgy. NBBS Dagatdagatan, alas-9:30 ng gabi at nakuha sa kanya ang humigi’t kumulang 2.09 grams ng hinihinalang shabu na nasa Php 14,008 ang halaga.
Ani P/Capt. Rufo, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 91 65 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
Lalaki dinampot sa higit P300K shabu sa Caloocan
Kelot na wanted sa sexual offenses sa Valenzuela, timbog!