SINIBAK ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco sa pwesto ang dalawang empleyado ng naturang ahensiya dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na gawain.
Sa pinirmahan na kautusan noong Enero 17, sinabi ni Tansingco na sinibak niya ang hindi pinangalanan na dalawang Immigration Officers matapos na makatanggap ng intelligence reports na sangkot sila sa trafficking activities sa Clark International Airport (CIA) at sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
“We have received information that the two have links to trafficking syndicates. We are initiating an investigation to verify this information, and if there is indeed probable cause, we shall file the appropriate case before the Department of Justice,” pahayag ni Tansingco.
Bilang preventive measure, ang dalawa ay pansamantalang ilalagay sa back-end office duties habang isinasagawa ang imbestigasyon.
Binalaan ni Tansingco ang mga empleyado na iwasan masangkot sa illegal activities dahil mahaharap sila sa administrative cases, suspension, at dismissal.
“The elimination of corruption is really one of my main targets in the Bureau. Any attempt to engage with corrupt practices shall be met with the harshest penalties possible,” pagtitiyak ni Tansingco.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA