Ibinato ng San Miguel Global Power sa Energy Regulatory Commission (ERC) ang sisi sa nakaambang pagtaas ng singil sa kuryente.
Sabi ng San Miguel Corp. (SMC), karapatan nitong dumulog sa Court of Appeals (CA) at gamitin ang mga remedy sa batas na sinisiguro ng batas. Dagdag ng kompanya, kinikilala nito at nirerespeto ang pagiging independent ng hudikatura dahil kasama ito ng sistema ng check and balance.
Ayon sa San Miguel, nagbigay na ito kasama ang Meralco ng computations at projections kung ano ang mangyayari ‘pag pinayagan itong magtaas ng singil ng kuryente sa power supply agreement at ito ang magiging pinakamurang solusyon.
Dagdag ng San Miguel, tungkulin ng ERC siguruhing magiging pinakamura ang singil sa kuryente sa consumers at mandato rin nito na pangalagaan ang karapatan ng lahat ng stakeholders, kasama na power generation companies.
Giit pa ng San Miguel na pinaalam na dito na magmamahal ang singil sa kuryente at binigyan na ito ng mga solusyong magbibigay ng pinakama-babang singil habang nandiyan pa rin ang problema sa paglusob ng Russia sa Ukraine na siyang nagpataas ng singil sa mga panggatong.
Sa pagdulog ng kompanya sa CA at paggamit ng karapatan nito, magtutuloy tuloy ang diskusyon kung paano mapabababa ang presyo ng kuryente sa mga consumer.
Sinabi naman ni Energy Secretary Raphael Lotilla na hindi nagkaroon ng sapat na panahon ang lahat para maghanda sa inisyung temporary restraining order ng CA na nagsususpinde sa power supply agreement ng South Premiere Power Corp. at ng Meralco.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA