Pormal na tinanggap ng Bureau of Customs si retired Philippine Army M/Gen. Juvymax Ramirez Uy (nakaputi) bilang bagong Deputy Commissioner for the Intelligence Group ng naturang ahensiya.
Pinalitan niya si dating Philippine Army B/Gen. Raniel Ramiro (pang-apat mula sa kaliwa).
Bukod sa pagreretiro bilang commanding general ng 6th Infantry Division noong Mayo 21, 2022, nagsilbi rin si Uy bilang dating hepe ng Army’s Intelligence Service Group (ISG).
Itinalaga siya sa BOC ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Oktubre 19, 2022.
Nasa larawan din sina (mula kaliwa): Jeoffrey Tacio, datingIG Officer-In-Charge and Director, Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS); Assistant Commissioner Atty. Vincent Maronilla (PCAG); Deputy Commissioner Atty. Vener Baquiran (RCMG); Acting Commissioner Yogi Filemon Ruiz; Deputy Commissioner Edward Dy Buco (AOCG); Atty. Kriden Balgomera, OIC, MISTG; at Atty. Gilbert Ordoña, OIC Director, ESS.
Kinokonsidera na ang Deputy Commissioner for Intelligence (DCI) bilang ikalawa sa pinaka-makapangyarihang posisyon ng ahensiya.
More Stories
SUPREMO TO THE RESCUE SA ISLA PUTING BATO FIRE VICTIMS
QUIBOLOY NAILIPAT NA SA PASIG CITY JAIL
5 drug suspects, kulong sa higit P400K droga sa Valenzuela