KINUMPIRMA ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz na tapos na ang imbestigasyon na isinagawa ng Internal Inquiry and Prosecution Division ng Customs Intelligence and Investigation Service (IIPD-CIIS).
Kaugnay ito sa sinasabing pagpapalusot o smuggling ng imported na asukal sa Port of Subic.
Ayon kay Commissioner Ruiz, sa isinagawang imbestigasyon, napatunayang walang pagpapabaya sa tungkulin ang mga nasabing opisyal at tauhan ng naturang port.
Dahil dito ay ibinabalik na sa kanilang puwesto sina District Port Collector Maritess T. Martin; Deputy Collector (Assessment) Maita S. Acevedo; Deputy Collector (Operations) Giovanni Ferdinand A. Leynes; Assessment Division Chief Belinda F. Lim; ESS District Commander Vincent Mark S. Malasmas; at ang CIIS Field Supervisor Atty. Justin S. Geli.
Inaatasan ang mga nabanggit na opisyal na bumalik na sa puwesto at tuparin ang kanilang mga katungkulan at obligasyon.
Una rito ay natuklasan ang 140,000 sacks ng refined sugar mula sa Thailand na pinaniniwalaang smuggled na nakalusot sa Port of Subic.
Sa pag-absuwelto sa grupo ng mga nabanggit na opisyal, ginamit na batayan ang mga Certifications ng Sugar Regulatory Authority o SRA na nagpapatunay na legal ang importasyon ng nasabing asukal na dumaan sa tamang proseso at hindi rin recycled ang mga naturang dokumento sa importasyon.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY