NASA mahigit P1.2 milyon halaga ng shabu ang nasabat ng pulisya sa limang hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang joyride driver na naaresto sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng madaling araw.
Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, ang naaresto ng mga suspek bilang sina Richard Ching, 41, joyrider driver, Armando Garcia, 40, construction worker, Joey Campillanos, 22, helper, Cerdy Diana, 27 at Romulo Echalas, 46, pawang residente ng lungsod.
Batay sa report ni Col. Destura kay Northern Police District (NPD) PBGEN Ulysses Cruz, dakong alas-2:15 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Doddie Aguirre ng buy bust operation sa bahay ni Ching sa No. 5 Marton road, Brgy. Canumay East.
Matapos makita ang pre-arranged signal mula pulis na umaktong poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng droga kay Ching at Garcia ay agad naglapitan ang back na mga operatiba saka inaresto ang mga suspek, kasama si Campillanos, Diana at Echalas na nakuhanan din ng hinihinalang shabu.
Ayon kay PCpl Pamela Joy Catalla, nakumpiska ng mga operatiba sa mga suspek ang humigit-kumulang 180 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price Php1,224,000.00, P500 marked money, P1,080 recovered money, cellphone at hard pouch.
Kakasuhan ng pulisya ang mga naarestong suspek ng Sections 5 (Sale) and 11 (Possession of Dangerous Drugs) under Art II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA