Favorite pa rin ang Creamline Cool Smashers na magkampeon sa PVL Invitational Conference. Marahil ay dahil na rin sa star power caliber ng team. Katunayan, depth ang core nila at nasa kanila ang ilang mahuhusay na player sa ngayon.
Siyempre, nasa line-up ng Creamline si volleyball star Alyssa Valdez. Nariyan din sina Gemma Galanza, Celine Domingo, Riza Sato at ang nagbabalik na si Michele Gumabao. Nariyan din ang matitikas na supporting cast na si Jia Morado-de Guzman.
Dahil sa lakas ng line-up at pawang mga sikat din sa larangan ng volleyball; ang Creamline ang napipisil ng fans na magkampeon.
Nasungkit din ng team ang first win kontra Petro Gazz Angels. Dinomina ng Cool Smashers ang Angels sa 4 sets, 25-22, 23-25, 25-22, 25-20.
More Stories
Santor, Maleeka, Melencio humakot ng ginto sa COPA swimfest sa RMSC
Kauna-unahang invitation golf tournament ng Pampanga Press Club, umarangkada na!
JRC, DMC at JC2… BASKETBALL SUMMER CUP 2024 SA NEW MANILA, QC