Muli, isa na naman pong magandang araw sa inyo, mga minamahal kong mga kababayan. Mga ginigiliw kong mga Ka-Sampaguita. Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan. Nawa’y hindi magmaliw ang di nauubos na biyaya’t pagpapala ng Panginoong Diyos. Muli na naman tayong tatalakay ng mga mahalagang usapin sa ating lipunan
Pag-usapan nating muli ang tungkol sa pagbasura ng Kamara sa hirit ng ABS-CBN na magbigyan ang istasyon ng ‘franchise renewal’. Sa botong 70-11, tuluyan nang gumuho ang pag-asa ng giant network na muli silang mapagbigyan na muling makapag-ere.
Kaugnay dito, may lumabas na survey na pabor daw ang karamihan sa mga Pilipino na muling mabigyan ng prangkisa ang Dos. Gayundin sa isinagawang survey ng Social Weather Station.
Ang tanong, totoo kaya ang resultang lumabas sa survey na umabot sa 75% ng mga Pilipino ang pabor? Kung totoo man, sino-sino naman kaya ang kanilang tinanong? Baka naman ang mga artista, mga workers at kapanalig ng Kapamilya?
Kuwidaw mga kababayan, madaling gumawa ng survey lalo pa’t kaduda-duda ang resultang lumabas sa SWS. Tanong, sino ba ang nasa likod niyang survey firm na yan na itinatag noong 1985? Hindi ba’t si Mr. Mahar Mangahas ang president niyan na nagsusulat din saPhilippine Daily Inquirer? Alam naman natin na kritiko ng administrasyong Duterte ang nasabing pahayagan.
Sorry to say, mga Ka-Sampaguita, hindi ako naniniwala agad sa mga survey-survey na madaling paikutin ng mga makapangyarihan. Kung gusto nating malaman ang katotohanan, punta kayo sa social media o kaya magtanong-tanong isa-isa sa mga lansangan at mga kabahayan. Dapat may camera at video at pawang neutral ang magsu-survey.
May ilan na nagsasabi na kawalan daw ng sambayanang Pilipino ang pagkawala ng ABS-CBN. Kawawa daw ang mga workers nila na mawawalan ng trabaho. Sus! Papaano ang ibang manggagawa na nawalan din ng hanabuhay dahil sa pandemya? Kailangan ba, sa Dos talaga makisimpatiya ang sambayanan?
Masyado na atang panatiko ang ilan. Tanong, ano ba ang nagawa sa inyo ng network? Nabigyan ba kayo ng ayuda niyan noong panahong kumakalam ang sikmura ng iba? Alam ba niyan problema mo? Na sa bawat pagtangkilik mo ng programa nila, may points ka tapos convert to cash?
Porke nabigo sa layunin nila, naghari na raw ang kasamaan? At kung nagbigyan sila ng franchise kung sakali, naghari na ang kabutihan? Sila lang ba may karapatan sa malayang pamamahayag? Kung nasisikil ang kanilang pagiging bias, paninikil na sa pamamahayag? Kung hindi naman, naghahari ang demokrasya?
Sino ang dapat sisihin sa nangyaring pagpapasara sa network? Hindi ba’t ang mga nasa itaas din ng Dos. Hinayaan nila ang sandamukal na paglabag at atraso sa buwis, porke akala nila ay hindi sila matitibag. Nakalimutan yata nila na may Diyos na nagbibigay ng parusa sa mga tiwali.
Nakikisimpatiya ako sa mga nawalan ng hanabuhay, doon sa mga workers ng Dos. May gagawing aksyon naman diyan ang DOLE para matugunan ang kanilang pangangailangan.
More Stories
PAGPASA NG P3.5 BILYONG BUDGET NG MARIKINA, NAAYON BA?
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE