KULUNGAN ang kinasadlakan ng tatlong hinihinalang mga holdaper matapos masakote sa isinagawang follow-up operation ng pulisya sa Malabon City.
Pinapurihan ni Northern Police District (NPD) Director PBGEN Ulysses Cruz ang Malabon police sa pamumuno ni P/Col. Albert Barot sa pagkakaaresto sa mga suspek na kinilala bilang sina Alexis Barbo, 21, Andrade Lora Jr., 18, at Carlcaton Cansino, 21, pawang residente ng Bagong Barrio, Caloocan City.
Ayon kay Col. Barot, nagsasagawa ng pagpapatrolya at “Police Visibility” ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 1 sa lugar ng kanilang nasasakupan nang makatanggap sila ng impormasyon hinggil sa nagaganap na robbery hold-up sa isang taxi sa kahabaan ng Engineering Road, Victoneta Avenue Barangay Potrero, Malabon City.
Nang makumpirma ang ulat, agad nagsagawa ang mga tauhan ng SS1 ng follow-up operation na nauwi sa hot pursuit hanggang sa maaresto ang mga suspek.
Narekober sa mga suspek ang isang caliber .38 revolver na may tatlong bala, icepick, kitchen knife; at cellphone ng biktima na nasa P8,000 ang halaga at P1,270 cash.
Ang mga suspek ay sasampahan ng pulisya ng kaukulang kaso sa Malabon City Prosecutor’s Office.
More Stories
DANIEL PADILLA, POKUS MUNA SA TRABAHO AT NEGOSYO
Buwisit na mga netizens sa galit-bati drama… SHARON AT KC, NOON PA NOT IN GOOD TERMS
Hiwalay na nga ba? PAOLO CONTIS, NO COMMENT ANG SAGOT SA PAG-UNFOLLOW SA KANYA NI YEN SANTOS