November 2, 2024

WANTED NA US PEDOPHILE, ARESTADO SA DAPITAN CITY

ARESTADO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang American pedophile na wanted sa US dahil sa pangmomolestiya sa bata.

Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang 49-anyos na pugante na si Bradley John Moore, na nadakip kahapon sa Dapitan City, Zambianga del Norte ng mga operatiba ng bureau’s fugitive search unit (BI-FSU).

Bitbit ng arresting agents ang mission order na inisyu ni Morente matapos itong makatanggap ng impormasyon kaugnay sa nagawang krimen ni Moore mula sa US authorities sa Maynila.

  “We will send him back to the US immediately for him to face his crimes, after which he will be placed in our blacklist and banned from re-entering the country,” saad ni Morente.

Inilarawan ng BI chief si Moore bilang undesirable alient na patuloy ang presensiya dito sa Pinas na isang malaking banta sa mga batang Filipino.

Ayon kay BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy, isa ring overstaying alien si Moore matapos lumabas sa record na dumating siya sa Maynila noong Disyembre 6,2020 na hanggang ngayon ay naririto pa rin sa ating bansa. Kinansela na rin ang kanyang pasaporte ng US government kaya siya ay maituturing na undocumented alien.

Sinampahan umano siya ng kaso sa nasabing korte ng aggravated sexual assault of a child at three counts of indecency and having sexual contact with a child.

Pansamantalang nakapiit sa Dapitan City police station si Moore habang hinihintay na mailipat sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City kung saan mananatili siya habang isinasailalim sa deportation proceedings.