Ibinasura ng Commission on Elections ang tatlong disqualification case laban kay dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Inilabas ng Comelec ang desisyon, isang araw matapos ang eleksyon kung saan nangunguna si Marcos sa partial at unofficial tally sa pagka-presidente.
Una rito, sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na maaring dumulog sa Supreme Court ang mga naghain ng reklamo laban kay Marcos.
Kabilang sa mga naghain ng disqualification case laban kay Marcos ay ang Akbayan party-list; Abubakar Mangalen na chairman ng Partido Federal ng Pilipinas faction at Campaign Againt the Return of the Marcoses and Martial Law.
More Stories
Wala pang person of interest sa kill order ni VP Sara vs Marcos, iba pa – NBI
SEC. GADON, IPADI-DISBAR SI VP SARA
2025 NATIONAL BUDGET APRUBADO SA SENADO