Babandera si pole vaulter EJ Obiena bilang flag bearer ng bansa sa 31st SEA Games sa Vietnam. Suportado naman ni Topkyo Olympics gold medalist na si Hidilyn Diaz ang kampanyang ito.
Aniya, sagisag si Obiena ng bawat atletang Pilipino. Na lumalaban para sa karangalan ng bansa.
“I’m very happy to see EJ as our flag bearer for Team Philippines,” ani Diaz. Idi-depensa nito ang kanyang weightlifting gold medal sa biennial meet.
“I’m happy for him and the rest of the Philippine delegation. I will support him,” dagdag nito.
Ayon kay POC president Bambol Tolentino, ninominated nila sina Diaz at Obiena bilang flag bearer. Subalit, sinabi ng organizers na dapat isa lang ang flag bearer. Si Obiena ang pinayagan dahil may qualification ito gaya ni Diaz.
“Like Hidilyn, EJ has all the qualifications to be our flag bearer,” aniya.
Ikinagalak naman ni Ej ang pagkakapili sa kanya bilang flag bearer ng Team Philippines.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo