Babanderahan ni Mai-Loni Henson ang inasembol na 16-woman pool ng Gilas Women team. Ang nasabing koponan ay sasalang sa 31st SEA Games sa Hanoi, Vietnam.
Si Henson ay designated ‘ naturalized player’ ng team. Ang basketbelle ay may taas na 6-foot-1. Naglaro ito sa Division III French team na Al Aplemont matapos gumaradweyt sa Washington.
Magsisilbi namang coach ng Gilas si Patrick Aquino. Inihayagag din nito ang ilan sa kasama sa pool. Kabilang na sina Monique Del Carmen , Mikka Cacho, Katrina Guytingco at Gemma Miranda.
Ibinulalas ni coach Patrick ang hirap na dinanas ng team bago nabuo. Aniya, lalarga na dapat ang team. Pero, nagkaroon ng pandemic kaya nagkaroon ng aberya.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!