November 1, 2024

NETIZENS, TO DA RESCUE KAY PANELO DAHIL SA UPAT NI MEGASTAR

Kinampihan ng mga netizens si senatorial candidate Atty. Salvador Panelo dahil sa banat ni megastar Sharon Cuneta. Inupat kasi at inokray ng actress-singer si Panelo dahil sa pagkanta nito ng ‘ Sana’y Wala Nang Wakas’.


Inawit ng abogado ang kanta sa isang campaign sortie noong March 10 sa Quezon City. Isa sa mga hit songs ni Sharon ang nasabing obra.


Sumikat ito ng husto noong 1986 na isinulat ng namayapang komposer na si Willy Cruz. May pelikula rin si Megastar na gayundin ang pamagat. Ayon kay Sharon, di raw angkop na awitin ng isang kandidato. Lalo na’t magkalaban ang partido ng mga ito.


WHY?!!!Tell me WHY?!!!I gotta fight for my song’s rights as well as Willy Cruz’s who wrote it! Cannot be. Di dapat sinisira ang isang classic,” aniya.


May kumampi sa megastar sa isyung ito. Pero, may marami ang kumampi kay Panelo. Katunayan, inupat ng mga netizens si Sharon. Anila, feeling magaling daw ito at wala namang ‘K’ kung tutuusin angkinin ang kanta. Kasi, hindi naman siya ang composer.