TUMANGGAP ng P10,000 cash na regalo mula sa Pamahalaan Lungsod ng Navotas ang isang Centenarian na nagdiwang ng kanyang ika-100th kaarawan kamakailan sa lungsod.
Personal na binisita para batiin at inabot ni Mayor Toby Tiangco, kasama si Cong. John Rey Tiangco at ilang konsehal ng lungsod ang P10,000 cash na regalo kay Lola Beatriz Garcia ang centenarian na nagdiwang ng kanyang kaarawan ngayong taon 2022.
Ayon kay Mayor Tiangco, ang natatanggap na cash na regalo para sa mga centenarian na residente ng lungsod ay nagsimula pa noong 2014 bilang pagkilala sa kanilang naging kontribusyon sa pag-unlad ng lungsod at sa lahat ng kanilang nagawa para sa Navotas.
Bukod dito, makatatanggap din aniya si lola Beatriz ng P100,000 mula naman sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
“Si Cong. John Rey ay may inihaing batas na nagtataas sa halaga ng social pension ng mga senior at lahat na ng mga senior ay mabibigyan, may pension man sila sa gobyerno o wala. Makatatanggap din ng cash benefit ang mga senior na aabot ng 80, 85, 90, 95, at 100 taong gulang”, ani Mayor Toby.
“Hangad nating tuluyan na itong maisabatas para mas masaya at mas napapangalagaan ang kapakanan ng ating mga lolo at lola”, dagdag niya.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON