November 3, 2024

ALYSSA VALDEZ, KAKAMPINK, KARAMIHAN NG MGA FANS, MAKA-BBM

Suportado ni volleybelle Alyssa Valdez ang candidacy ni VP Leni Robredo sa election 2022. Katunayan, nagpost siya sa kanyang official Facebook account ng kanyang pagsuporta.
“Iboboto ko si Leni dahil sa lider na tapat. Maasahan ang serbisyong nararapat sa bawat Pilipino,” ani ‘The Phenom’.


Kaugnay dito, may natuwa sa kanyang pahayag. Lalo na ang kampi kay VP Leni. Gayunman, may ilang nalungkot na kanyang mga fans. Karamihan kasi sa kanila ay maka- BBM-Sarah Duterte ng Uniteam.
Sa kabila nito, nirerespeto nila ang desisyon ni Valdez. Labas na anila ito sa usapin sa pulitika. Narito ang ilang komento ng fans niya sa kanyang post.


Regarding politics i don’t care who you want to vote. It’s your choice but it does not stop here. I’m still your big fan forrever. Love you Alyssa.”


We Respect you Lodi and we still Love you Sis Aly. #BBMSARA2022. My Mom and family members really admire you so much since your UAAP days. Heart strong goodluck po sa upcoming PVL games and stay safe po our Phenom.”

Isa lamang si Valdez sa mga volleybelles na nagpahayag ng suporta kay VP Robrero.