Isinelda ang dalawang hinihinalang tulak ng iligal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu nang kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Lunes ng gabi.
Kinilala ni District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (DDEU-NPD) chief P/Lt. Col. Renato Castillo ang naarestong mga suspek na sina Edwin Manuel alyas “Jap”, (Listed), 42, Security guard at Rodel Patrick Pabico alyas “Jr”, (listed), 28, construction worker at kapwa ng DM Compound, Brgy. 73.
Ayon kay P/Lt. Col. Castillo, dakong alas-11:55 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni PSMS Michael Tagubilin ang buy bust operation sa bahay ni Manuel sa 1300 Dm Compound C. Apostol St. matapos ang natanggap nilang impormasyon mula sa kanilang impormante hinggil sa pagbebenta umano ng suspek ng shabu.
Nagawang makipagtransaksyon ng isang undercover police ng P7,500 halaga ng shabu kay Manuel.
Matapos tanggapin ng suspek ang marked money mula sa police poseur-buyer kapalit ng isang medium transparent plastic sachet ng shabu ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba, kasama si Pabico na kasabwat umano ni Manuel sa pagbenta ng droga.
Nakumpiska sa naarestong mga suspek at tinatayang nasa 15 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P102,000, coin purse at buy-bust money na isang tunay na P500 bill at 7 pirasong P1,000 boodle money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY