November 23, 2024

KOREAN PORNO DISTRIBUTOR ARESTADO SA CEBU – BI


CEBU CITY – ARESTADO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang high-profile na South Korean fugitive na wanted sa kanyang bansa dahil sa pagdi-distribute ng pornograpiya.

Ayon sa BI Commissioner Jaime Morente, nadakip si Hung Yonggu, 38, noong Nobyembre 1 ng umaga sa Cebu City.

Inaresto si Jung sa bisa ng Warrant of Deportation na inilabas noong Oktubre laban sa kanya dahil sa pagiging undocumented alien at pagiging banta sa kaligtasan at seguridad ng publiko.

“The office received information of his crimes from South Korean authorities,” ayon kay Morente.

“Upon receipt of the information, we immediately filed a charge against him and conducted an investigation to locate and arrest him,” dagdag niya.

Ibinahagi ni BI Fugitive Search Unit Chief Rendel Sy, mayroong outstanding warrant of arrest si Jung na inilabas ng Seoul Central District Court noong Nobyembre 2018 sa pag-promote at pagpapakalat ng pornograpiya at iba pang kaugnay na krimen sa ilalim ng Criminal Code of the Republic of Korea.

BI Fugitive Search Unit Chief Rendel Sy shared that Jung has an outstanding warrant of arrest issued by the Seoul Central District Court in November 2018 for promoting and circulating pornography and other related crimes under the Criminal Code of the Republic of Korea.  Nagtago siya sa Pilipinas noong Hulyo 2018 para makaiwas sa hatol at pagkakaaresto.


Kinansela na rin ang kanyang pasaporte ng Korean government, para gawin siyang undocumented alien.

Si Jung ay responsable para na nagtatrabaho kasama ang isang Korean convict sa pagpapakalat ng higit sa 7,4000 obsence videos sa pamamagitan ng internet file sharing website, na nagpapahintulot sa pag-access sa pornographic materials sa libo-libong online users.

Pasamantala siyang dinala sa pasilidad ng BI sa Bicutan, Taguig habang hinihintay ang implementation ng kanyang deportation.