Todas ang isang 62-anyos na mekaniko matapos masagi ng isa umanong truck ang kanyang minamanehong motorsiklo sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Hindi umabot ng buhay sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktima na kinilalang si ng 536 Interior Catmon, Malabon City.
Sa nakarating na report kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, dakong alas-6 ng gabi, tinatahak ng biktima sakay ng motorsiklo ang kahabaan ng C3 Road patungong Rizal Ext., Avenue at pagsapit malapit sa kanto ng 7th Street Brgy. 124 ay nasagi ang motorsiklo ng kaliwang likuran bahagi ng truck.
Sa lakas ng impact, bumagsak ang motorsiklo sa kalsada hanggang sa magulungan umano ang biktima ng sinabing truck na hindi man lang huminto at tuluyang tumakas sa hindi matukoy na direksyon.
Isinugod naman ang biktima sa naturang pagamutan subalit, idineklara itong dead on arrival habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan ng truck at pagkakaaresto sa driver nito. (JUVY LUCERO)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY