Binitbit ni Zach LaVine ang Chicago Bulls sa pagsuwag nito sa New Orleans Pelicans, 128-112. Bumira si LaVine ng 32 points, 6 boards at 5 assists.
Tumulong naman si DeMar DeRozan sa pagbuslo ng 26 points, 6 boards at 4 assists.Bumanat naman si Lonzo Ball ng triple-double na 10 points, 10 rebs at 19 assists.
Sa panig naman ng Pelicans, gumawa si Brandon Ingram ng 26 points, 8 boards at 8 assists.
Bumidang namang muli si Julius Randle sa pag-ipit ng New York Knicks sa Orlando Magic, 121-96. Gumawa si Randle ng 21 points, 10 rebounds at 7 assists.
Dahil dito, naitala ng Knicks at 2-0 sa pagsisimula ng 2021-22 NBA season.
Samantala, narito ang iba pang game result sa liga ngayong araw.
OKC – 91 HOU – 124
K. Williams: 12 PTS, 4 REB, 3AST
C. Wood: 31 PTS, 14 REB
SAS – 96 DEN – 102
K. Johnson: 27 PTS, 4 REB, 2 AST
N. Jokic: 32 PTS, 16 REB, 7 AST
UTA – 110 SAC – 101
R. Gobert: 17 PTS, 20 REB, 2 AST
H. Barnes: 25 PTS, 5 REB, 2 AST
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo