April 30, 2024

REBELASYON NI NAPOLES, P8 MILYON, IBINIGAY NA CAMPAIGN FUND KAY SEN. GORDON

Ibinunyag ni Janet Lim- Napoles na inayos niya umano sa halagang P8 milyon si Sen. Dick Gordon. Ayon sa pork barrel scam queen, ang halaga ay bilang donasyon sa kampanya ng senador noong 2010 elections. Kung saan, tumakbo si Sen. Gordon bilang Presidente.


Nangyari ang rebelasyong ito nang dalawin siya ni anti-corruption advocate lawyer Larry Gadon sa Correctional Institute for Women kamakailan. Katuayan, may video clip ang panayam ni Stty. Gadon kay Napoles.


Ayon pa kay Napoles, kasama aniya ang senador sa ‘Napoles list’. Na umano’y blue book ng mga politicians na binigyan niya noon ng campaign money.

Siya pa raw mismo ang nahatid ng pera sa senador sa tinitirhan nito sa Unit 36-C South Garden, Pacific Plaza sa Taguig. Sa gayun ay makasiguro na mapapasakamay ng senador ang pera.


Senator Gordon, magtatanong lang po: ‘Yon po bang binigay kong contribution sa’yo noong election 2010 na hinatid ko po sa unit ninyo sa 36-C South Garden Unit, Pacific Plaza ay naisama ninyo ba sa inyong report noong matapos kayong tumakbo?” ani Napoles.