September 29, 2024

JAMES YAP, KINARIR NA RIN ANG PAGIGING VLOGGER

Injured pa rin si James Yap hanggang ngayon kaya di nakapaglalaro sa PBA. Anim na buwan nang tengga ang Rain or Shine Elastopainters player. Kaya naman, pagba-vlog ang pinagkakaabalahan niya ngayon.


Katunayan, nag-upload si James ng videos sa kanyang YouTube Channel. Sa ngayon, may 27K views mahigit na ang kanyang videos at mayroon siyang 6.46 K subcribers. Noong September 16 lang siya gumawa ng YT Channel niya.


Kaya naman, na-a-update ang fans ni James kung ano ang latest sa kanya. Isa lang si James sa mga PBA players na sinabak ang pagiging vlogger sapol nang magka-pandemic.