May 19, 2024

ANGEL LOCSIN, AYAW TUMAKBONG SENADOR

May nagsasabi sa aktres na si Angel Locsin na lumusong sa pulitika. Total, dahil sa tumutulong naman siya sa mga kapuspalad, bakit hindi pa raw niya itodo max. Sa gayun ay mas marami pa siyang matulungan.


May isa ngang aktor noon na nagsabing hindi humihingi ng kapalit si Angel kapag tumutulong. Ito rin ang sabi ng kanyang mga kaibigan. Kaya naman, sinabi ng host at showbiz writer na si Ogie Diaz na tumakbong senador ang aktres.


Pero, tinanggihan niya ito. ” Maglalagay tayo ng senador na karapat-dapat. Hindi po ako,” pahayag ng aktres.