November 24, 2024

GCQ WITH GRANULAR LOCKDOWN, BINAWI; NCR BALIK MECQ

Binawi ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pagpapatupad ng General Community Quarantine (GCQ) na may granular lockdowns sa National Capital Region o NCR na dapat sana’y ipatutupad bukas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) pa rin ang Metro Manila bukas, Setyembre 8-15.

Dahil dito, mananatili pa ring ipinagbabawal ang indoor at al-fresco dine-in services, at personal care services kabilang ang beauty salons, beauty parlors at nail spas.

Sa kabilang banda, pinapayagan ang religious services na gaganapin sa pamamagitan ng online video  recording at transmission.

Samantala, pinapayagan din  ang mga miyembro ng pamilya na dumalo sa necrological services, burol, inurnment at libing kung ang pumanaw ay hindi sa COVID-19 namatay. Gayunpaman, kailangan nilang ipakita ang satisfactory proof ng kanilang relasyon sa namatay at dapat sumunod sa minimum public health standards.