May 3, 2024

ALEXA ILACAD, CHARMING, DAPAT LANG MABIGYAN NG PROJECTS NA SIYA ANG BIDA

May mga fans si Alexa Ilacad, 21, na nakapapansin na medyo hindi nabibigyan ng exposureang kanilang idolo. Napapanood ang teen actress sa seryeng ‘Init Sa Magdamag’. Pero, kulang anila ito para umangat ang profile ni Alexa.


Bata pang nagsimula si Alexa sa showbiz nang mapasali sa kid’s gag show na ‘Goin Bulilit’. Subalit, hindi pa ito nabibigyan ng major role. Kaya, nagtataka ang kanyang mga followers.
Na kahit active pa rin ito, tila hindi nabibigyan ng magandang projects na siya talaga ang bida. Mapa-serye man o pelikula.

Maraming talent si Alexa. Pwede siyang sumayaw at kumanta. Isa rin siyang endorser. Maganda naman siya at wholesome ang dating. Pero, bakit hindi siya gaanong sikat. compare sa mga kasabayan niya? Magaling naman diun siyang umarte. Parang pareho ang kapalaran nila ni Andrea Brillantes.


Actually, napapanood namin siya nun. Mga kasabayan niya sina Kyline Alcantara, Myles Ocampo at iba pa sa Goin Bulilit. Gayundin sa mga teleserye gaya ng May Bukas Pa at Doble Cara. Markado rin siya sa movie na For the First Time bilang Nicole.


Kung mabibigyan ng maraming projects at exposure si Alexa, tiyak na aangat ito ng husto. Wish lang namin, makarating siya sa profile na narating nina Kathryn Bernardo, Julia Montes at iba pa.