
Ipinagpaliban muna ng PBA ang laro ngayong araw sa pagitan ng Meralco Bolts at Barangay Ginebra Gin Kings. Ito ay bilang pagtugon at pag-obserba sa PBA’s health and safety protocols.
Nakatakda sana idaos ang laro ng Bolts at Gin Kings ngayong alas 4:35 ng hapon. Ni-rescheduled na lang ang laro ng 2 teams sangayon sa guidelines ng liga.
Ang laro naman sa pagitan ng Terrafirma Dyip at Blackwater Bossing ay bubuslo ng 2:00pm. Habang ang Magnolia Hotshots vs. TNT Tropang Giga ay inilipat sa 4:34 PM.
Ito ay orihinal na naka-scheduled ng 7:00pm. Pero, inilipat sa oras na lalaruin sana ng Meralco at Ginebra.
More Stories
TNT binanderahan ni Almond Vosotros sa 94-70 panalo vs NorthPort
PBA Season 49: Ginebra vs Meralco, TNT vs NorthPort—Laban para sa Quarterfinals
Tiauson sa Bulan, Sorsogon kampeon sa Open Rapid chess tournament