NANALO ang Pilipinas ng isa sa major awards sa World Cosplay Summit Video Competition, ang kauna-unahang beses na nahakot ng bansa ang award sa international tilt magmula nang lumahok ito noong 2013.
Napanalunan ng Team Namikaze, na binubuo nina Jin Joson at Amado Carl Hernandez, ang “Best Costume” award sa ginanap na kapistahan sa Nagoyo, Japan noong Linggo.
Gayang-gaya ng dalawa sina Jaraiya at Naruto mula sa anime na “Naruto.”
Ang kawastuhan ng costume ay hinusgahan ng itinayong grupo ng mga judge kabilang ang cosplayer na si Reika Arikawa at Japanese voice actor Toru Furuya.
Matatandaan na kinansela ang event noong nakaraang taon dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, na nilalahukan ng 30 bansa sa pamamagitan ng video competition.
Kabilang sa mga kampeon ay ang Team Germany, sinundan ng Team Italy at Team United Kingdom.
More Stories
KATHRYN BERNARDO AT KOREAN SUPERSTAR LEE SEUNG-GI PAGSASAMAHIN NI CHAVIT SINGSON SA ISANG MOVIE PROJECT
PANGASINAN KAMPEON SA PNVF U18 CHAMPIONSHIPS (Sa tulong ng kanilang coach na Math Teacher)
DANIEL SUPPORT NA LANG NINA RICHARD AT IAN SA TELESERYE