Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko na huwag mag-panic matapos bumagsak ang piso sa record-low na P64 kontra US dollar sa kauna-unahang pagkakataon.
“Don’t panic. It is an effect of still the rising prices of oil and subsequently the rising prices of fuel and its effect on the economy,” pahayag ni Marcos nitong Miyerkules, Oktubre 28.
Siniguro ng Pangulo na gagawin ng pamahalaan ang lahat para depensahan ang halaga ng currency at pigilan ang patuloy na pagtaas ng bilihin.
“People can take solace to the fact that our policy towards the peso is to continue to defend the peso as hard as possibly we can. We have all the tools to defend the peso. We have all the means to defend the peso,” dagdag pa niya, habang binigyang-diin ding ginagawa ng gobyerno ang lahat para maibaba ang presyo ng pagkain.
Matagal nang nasa ilalim ng matinding pressure ang piso nitong mga nakaraang linggo at sunod-sunod ang pagtatala nito ng panibagong record lows kontra dolyar.
Nitong Lunes lamang, nagsara ang palitan sa P63.95, ang ikalimang sunod-sunod na araw ng pagbaba ng piso at pang-32 na record-low close ngayong taon.
